-- Advertisements --
Li Ka Shing
Li Ka-Shing

Sasagutin ng pinakamayang tao sa Hong Kong ang tuition fees ng isang klase ng Chinese university students.

Ayon kay Li Ka-Shing, sa pamamagitan ng kaniyang charitable foundation ay walang babayaran sa loob ng limang taon ang mga bagong estudyante ng Shantou University.

Ang 90-anyos na si Li ay mayroong kabuuang yaman na $30.4 billioin base na rin sa listahan ng Forbes.

Magsisimula ang pagbabayad ng Li Ka-Shing Foundation sa mga incoming class of 2019 ng Shantou University sa Guangdong province sa China.

Noong nakaraang buwan ay sinagot din ni US billionaire Robert F. Smith ang mga loans ng US college class.