-- Advertisements --

Nanindigan si Chinese foreign minister Wang Yi na mananatili pa ring parte ang Hong Kong ng kanilang bansa sa kabila nang pagkakapanalo ng pro-democracy camp sa katatapos lamang na eleksyon sa lungsod.

Naging malinaw ang mensahe ng publiko sa kanilang pagsuporta ukol sa hiling ng mga anti-democracy prostesters sa loob ng halos anim na buwan na kilos-protesta.

Ayon kay Wang, hindi dapat magpa kampante ang mga mamamayan ng Hong Kong dahil hindi pa raw ito ang kabuuang resulta sa naturang botohan.

Aniya, hindi rin magtatagumpay ang kahit anong pagtatangka na sirain ang kapayapaan at pagiging matatag ng Hong Kong.

Tikom naman ang kampo ng top agency sa China na responsable sa mga pakikipag-ugnayan ng Hong Kong hinggil sa resulta ng eleksyon.

Una nang inakusahan ni Wang ang Estados Unidos sa di-umano’y pangingialam niyo sa mga internal affairs ng China.