-- Advertisements --

Dumating na sa Beijing si Hong Kong Chief Executive Carrie Lam kasunod nang desisyon ng China na magpatupad ng national security legislation na naturang rehiyon.

Kasama ni Lam ang mga lider ng judiciary at police department ng Hong Kong.

Ayon sa mga opisyal ng Hong Kong, China ang gagawa ng naturang panukala ngunit desisyon na ng nasabing lungsod kung ipapatupad nila ito kung kaya’t kinakailangan ng bansa na ipaliwanag ng mabuti ang kasalukuyang sitwasyon sa Hong Kong bago ipatupad ang panukala.

Inaasahan na makikipagpulong si Lam kasama ang Chinese government officials para pag-usapan ang pagpapatupad sa national security legislation. Nakatakda ring pag-usapan ng mga ito ang paksa hinggil sa mga aktibidad ng security department ng China sa Hong Kong.

Tutol naman dito ang mamamayan ng Hong Kong na siyang nagbunsod ng kilos-protesta sa rehiyon.

Nakatanggap din ng kritisismo ang China mula sa Estados Unidos dahil tila sinisira umano nito ang “one country, two systems” framework na matagal nang umiiral sa Hong Kong.