Nanawagan si Hong Kong leader Carrie Lam sa publiko na kondenahin ang lumalaganap na karahasan sa lungsod na dala umano ng mga anti-government protesters.
Kahapon nang gamitin ni Lam ang kaniyang emergency powers upang ipagbawal ang paggamit ng face-mask sa Hong Kong na mas lalo namang nagdulot ng pagkagalit sa mamamayan.
Una rito ay dinepensahan ni Lam ang kaniyang desisyon sa muling paggamit ng colonial-era law na halos 50 taon nang huling ipatupad ito.
Ayon pa kay Lam, wala pang kahit sino ang nahuhuli dahil sa face-mask ban ngunit exempted umano ang mga pulis mula sa paggamit nito.
Mariin ding sinabi ni Lam na kahit kailan ay hindi magiging sagot ang karahasan upang masolusyonan ang problema ng Hong Kong.
Kaugnay nito, umapela rin si Secretary for Security John Lee Ka-Chiu na tigilan na umano ng publiko ang pag-iisip na dadagdag lamang sa problema ng Hong Kong ang face-mask ban.
“What is adding oil to the violence is people’s support for these acts,” saad ni Lee.
“What is important is that everybody comes out to say ‘society will not accept violence’. Violence is not a solution whether you are asking for right or wrong. That is not the method,” dagdag ni Lee.