-- Advertisements --
Humingi ng tawad si Hong Kong leader Carrie Lam sa muslim community na naninirahan sa lungsod matapos tamaan ng mga otoridad ng water cannon ang kanilang mosque.
Kaugnay ito ng nagpapatuloy na demonstrasyon ng mga mamamayan ng Hong Kong.
Personal na binista ni Lam ang Kowloon mosque bago ito magtungo sa Japan upang umattend sa enthronement ceremony ni Japanese Emperor Naruhito na gaganapin sa Tokyo.
Base sa mga otoridad, aksidente nilang natamaan ng tear gas at water cannon ang nasabing mosque habang sinusubukan nilang pigilan ang mga raliyista.