-- Advertisements --
NAGA CITY – Balak na umano ni Hong Kong Chief Executive Carrie Lam na magkaroon na ng reconciliation sa pagitan ng gobyerno at ng mga pro-democratic protesters.
Sa report ni Bombo International Correspondent Ricky Sadiosa, sinabi nito na sa New Years’ message aniya ni Lam nangako itong tutugunan na ang demands ng mga protesters sa lugar.
Ayon kay Sadiosa, nakatakda aniyang imungkahi ni Lam ang pagtugon sa mga hirit sa kanilang isasagawang pagpupulong sa mga susunod na araw.
Aniya, marahil inaasahan na rin ng kampo ni Lam ang landslide na namang Legislative Council Election sa darating na Setyembre.
Kung maaalala, muli na namang nagkaroon ng serye ng kilos protesta sa lungsod na inaasahang tatagal hanggang sa susunod na buwan.