-- Advertisements --
Hong Kong Protesters
Hong Kong protests

Iginiit ni Hong Kong leader Carrie Lam na hindi siya inutusan ng China na tuluyang bawiin ang extradition bill at sinabi na ang desisyong ito ay kusang loob niyang ginawa.

Umani ng negatibong reaksyon mula sa mga mamamayan ng Hong Kong na di-umano’y sumusunod lamang si Lam sa utos ng China.

Naging madrama ang pormal na pag-anunsyo kahapon ni Lam sa tuluyang pagbasura sa kontrobersyal na panukala kung saan layunin umano niya na pakinggan ang isa sa limang demands na ninanais ng kaniyang nasasakupan.

Ngunit sa halip na matuwa ay mas lalo pang nagalit ang mga raliyista dahil kailangan pa raw paabutin ni Lam ng tatlong buwan ang kaniyang desisyon.

Inaasahan naman ng punong ehekutibo ng Hong Kong ang magiging reaksyon ng mamamayan ngunit ayon kay Lam hindi raw ito isang PR stunt upang muling kuhain ang kanilang loob.