-- Advertisements --
HK carrie Lam

Itinanggi ni Hong Kong chief executive Carrie Lam na makakaapekto sa karapatan ng mga taga-Hong Kong ang isinusulong na national security law ng China para sa nasabing rehiyon.

Ang nasabing panukala ay magiging daan upang ipagbawal ang treason, secession, sedition at subversion sa Hong Kong.

Ayon kay Lam, responsibilidad pa rin umano nito na protektaham ang kaniyang nasasakupan sa kabila ng kilos-protesta na kanilang ginagawa.

Dagdag pa nito na wala pang malinaw na detalye ang panukala kung kaya’t hindi dapat ito pakialaman ng ilang bansa na una nang nagpahayag ng kanilang pagkabahala.

Isa na rito ang Estados Unidos na tahasang inamin na handa itong patawan ng parusa ang Beijing sa oras na ituloy ng nasabing bansa ang panghihimasok sa Hong Kong.

Sa ngayon ay hindi pa raw dapat matakot ang mamamayan na Hong Kong dahil hinihintay pa nito ang kabuuang konteksto ng panukala mula sa China.