-- Advertisements --
Coronavirus WHO photo
Worldwide emergency alert on Wuhan coronavirus (photo from WHO)

Tinakot ng ilang grupo ng medical workers mula Hong Kong ang kanilang gobyerno sa oras na hindi nito ipatupad ang pagbabawal sa mga turistang Chinee na bumisita sa naturang lungsod.

Kasunod ito ng lumalalang isyu ng coronavirus kung saan pinaniniwalaan na nanggaling sa China ang sakit.

Naglatag ng limang demands ang HA Employees Alliance na kinakailangan umanong sundin ng gobyerno kung hindi ay saka sila gagawa ng sarili nilang hakbang.

Isa na rito ang pagbabawal sa mga Chinese na pumasok sa Hongkong, paghihikayat sa mamamayan na gumamit ng face masks at pagpapagawa ng mas maraming isolation wards.

Kaagad naman itong kinondena ni Hong Kong leader Carrie Lam. Aniya, imposible umano ang nais ng grupo na putulin ang lahat ng koneksyon ng Hong Kong sa China.

“It is inappropriate and unrealistic for us to hastily cut all the traffic with mainland China,” saad ni Lam. “I urge everyone not to use a fierce, confrontational attitude to fight for your demands.”

Sa pahayag na inilabas ng Chinese University ng Hong Kong Faculty of Medicine, sinabi nito na kinakailangang higpitan ng gobyerno ang immigration policy. Tulad na lamang ng pag-extend sa entry ban para salain ng mabuti ang mga turista na manggagaling sa mga probinsya na kumpirmado na ang naturang sakit.