Nadagdagan ng anim pa na buwan na pagkakakulong ang hatol laban kay Hong Kong pro-democracy media mogul Jimmy Lai dahil sa naging partisipasyon nito sa isang hindi otorisadong assembly noong taong 2019.
Kasalukuyang nakakakulong na ngayon ang 73-anyos matapos itong hinatulan ng 14-months dahil sa kaniyang partisipasyon sa isang demonstrasyon.
Ngunit may lumabas na naman na panibagong hatol habang ang mainland China ay lalong lumalabag daw sa mga karapatan at kalayaan ng Hong Kong.
Dahil dito, nahaharap si Mr Lai nga kabuuang 20 buwan na pagkakakulong.
Ang media tycoon na si Lai ang isa sa 10 prominenteng aktibista na nahatulan dahil sa ginawang paglahok nito sa isang unlawful assembly noong Oktubre 1, 2019.
Ang iba pang aktibista gaya nina Figo Chan, Leung Kwok-hung, o mas kilala sa tawag na “Long Hair” at Lee Cheuk-yan ay hinatulan naman ng 18 buwan na pagkakakulong. (with reports from Bombo Jane Buna)