-- Advertisements --
HK protest
Hong Kong Protest

Naglabas na ng matinding babala ang Chinese government hinggil sa pagiging handa umano nito na makialam sa patuloy na kaguluhan sa Hong Kong.

Base sa inilabas nitong pahayag, responsibilidad umano nila na makialam sa malawakang kilos-protesta kung kaya’t handa silang magpadala ng kanilang tropa militar sa naturang lungsod.

Mas lalong naging magulo ang kalagayan ngayon ng Hong Kong matapos gumamit ng water cannon ang mga kapulisan para tuluyang maitaboy ang mga nag-aalsa.

Una rito ay isinawalat ni US President Donald Trump ang kaniyang nakalap na impormasyon kung saan di-umano’y namataan ng US intelligence agencies ang pag-deploy ng Chinese government sa kanilang military troops malapit sa border ng Hong Kong.

Napag-alaman din na libo-libong miyembro ng People Armed Police ang nagsagawa ng large-scale military exercise sa Shenzhen stadium bilang paghahanda raw sa posibleng deployment ng mga ito sa rehiyon.