-- Advertisements --
NAGA CITY – Kumbinsido ang ilang raliyista sa Hong Kong na gumagamit na ng kemikal ang mga motoridad bilang pantaboy sa kanilang mga kilos protesta.
Ito ang binanggit ni Bombo International correspondent Ricky Sadiosa, sa gitna ng patuloy na hidwaan sa pagitan ng pamahalaan at mga residente ng Hong Kong.
Ayon kay Sadiosa, nagkaroon na raw ng sakit sa balat gaya ng blisters at rushes ang ilang protesters.
Naniniwala raw ang mga ito na dahil sa tear gas at pepper spray na ginagamit umano ng mga otoridad pang-depensa.
Para sa mga raliyista sa Hong Kong, depektibo o expired ang ginamit ng mga pulis na kemikal pantaboy sa kanila.