-- Advertisements --
hong kong teargas protests

Daan-daang raliyista sa Hong Kong ang sumugod sa dalawang police station matapos sampahan ng kaso ang 44 katao na kanilang kasamahan dahil sa patuloy nilang panggugulo sa naturang lungsod.

Ginamitan ng mga pulis sa Kwai Chung police station ng pepper spray ang ilang nagpo-protesta na umatake sa kanila habng hinihintay na palayain ang ilan sa mga nahuli nitong suspek matapos makapagpyansa.

Naganap din ang mainit na tensyon sa pagitan ng dalawang kampo sa Tin Shui Wai police station kung saan nagsama-sama rin ang mga nag-aalsa matapos arestuhin ang dalawa pang suspek malapit sa Lennon Wall.

Kinumpirma naman ng mga otoridad na lahat ng kanilang hinuli ay nakalaya na.

Ang nasabing 44 na katao ay ang first batch ng mga raliyista na kinasuhan sa salang rioting.

Ito na ang ika-walong linggo ng nagaganap na malawakang pag-aalsa ng mga mamamayan sa Hong Kong laban sa kanilang gobyerno matapos tuluyang sumuko ni Hong Kong leader Carrie Lam na isulong nag kontroberyal na extradition bill sa nasabing lungsod.