-- Advertisements --

Apektado na rin maging ang nakatakdang Hong Kong Tennis Open ngayong taon dahil sa mga kilos protesta.

Magbubukas sana ito sa Oktubre 5, 2019, kung saan malalaking pangalan sa larong tennis ang inaasahan sanang makikilahok.

Nagpasya ang organisers na itakda ito sa ibang schedule, upang hindi na sumabay pa sa mga demonstrasyon.

Nabatid na gaganapin sana ang event sa Victoria Park, na isa sa mga naging rally point ng anti-government groups.