Muling kinilala ang Hong Kong sa ikalawang sunod na taon bilang pinakamahal mamuhay para sa mga overseas workers sa buong mundo.
Lumalabas sa pag-aaral na walo ang mga lugar sa Asya mula sa Top 10 ang “most expensive city” para mga overseas workers batay sa Mercer’s 2019 Global Talent Trends report.
Habang muli rin namang pumangalawa sa listahan ang Tokyo at umakyat sa ikatlo ang Singapore.
Narito ang mga siyudad sa rankings na napakamahal ang cost of living:
- Hong Kong (China)
- Tokyo (Japan)
- Singapore
- Seoul (South Korea)
- Zurich (Switzerland)
- Shanghai (China)
- Ashgabat (Turkmenistan)
- Beijing (China)
- New York City (USA)
- Shenzhen (China)
Sa kabilang dako ang itinuturing namang mga cheapest cities ay ang Tunisian capital na Tunis (209), Tashkent sa Uzbekistan (208) at ang Karachi na nasa Pakistan (207).
Ang naturang findings sa survey ay naglalayong makatulong sa mga gobyerno at multinational companies kung papaano ang tamang pagtatakda sa mga pasweldo sa kanilang mga overseas workers.