-- Advertisements --

Inindorso ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) si Davao Third District Representative Isidro Ungab para sa House Speaker.

Sa inilabas na pahayag ng HNP na dahil sa delicadez ay hindi matatanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang intensyon ni Congressman Paolo Duterte para maresolba ang gusot sa speakership.

Nagbigay rin ng suhestiyon ang grupo sa mga contenders ng speakers na kunin na lamang ni Rep. Alan Peter Cayeteno ang Majority Leader position, habang Appropriations Committee kay Rep. Lord Alan Velasco at Accounts Committee naman si Rep. Martin Romualdez.

Magugunitang itinaguyod ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang HNP.