-- Advertisements --
Umaabot sa mahigit P100 ang presyo ng litro ng gasolina sa Roxas, Palawan dahil sa kakulangan ng fuel supply sa bayan mahigit isang linggo matapos ang pananasala ng Bagyo Odette.
Ayon kay Bombo Correspondent Raphael Trinidad de Guzman, nag-iisa lamang ang gasoline station na maaaring mabilhan ng gasolina sa bayan dahil hindi ma-access ang ibang stations dahil naputol ang major bridge nang nanalasa ang bagyo.
Kanya-kanyang diskarte ang mga residente ayon kay de Guzman gaya na lamang ng pag-hoard ng gasolina at pagpapatong ng presyo.
Ayon naman sa latest statement ng Department of Energy (DOE), pa-unti-unti na ang reklamo sa fuel overpricing mula sa iba’t ibang bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa increased fuel supply sa critical areas.