Umaapela sa gobyerno ang National Federation of Hog Farmers Inc. (NFHFI) na mag-subsidize o, sagutin ang kalahati ng halaga ng bakuna laban sa African Swine Fever, upang matulungan ang maliliit at medium scale na local hog farmers.
Sinabi ni NFHFI President Chester Tan na habang wala pang tiyak na presyo sa bawat dose ng bakuna sa ASF na inilalabas, hinala niya na ito ay nasa pagitan ng P400 hanggang P600, na napakataas na umano para sa mga framer.
Aniya, sana hindi maging totoo itong presyong P400 to P600 baka kase hindi na daw gumamit ang mga hog raisers ng naturang vaccine dahil sa mataas na presyo nito. Hiling pa niya sa gobyerno na magkaroon ng subsidy. Kung hindi man aniya libre, sana ma-absorb o ma-shoulder kahit 50% sa commercial farms lalo na sa mga small scales raisers.
Una na rito, matatandaan na sinabi ng Bureau of Animal Industry (BAI) nitong Biyernes na napatunayang epektibo ang ASF vaccine sa mga clinical trials sa anim na sakahan sa Luzon.
Noong 2019, unang naiulat ang ASF outbreak sa bansa. Libu-libong baboy ang kinatay upang maiwasan ang pagkalat ng sakit. Nabawasan din ng naturang sakit ang imbentaryo ng mga baboy sa bansa.