-- Advertisements --

Kinilala Guiness World Records ang naganap na Hog Festival sa Quezon City dahil sa pagkakaroon ng maraming putahe mula sa karne ng baboy.

Umabot sa 313 na mga iba’t-ibang putahe ang nagdala sa nasabing festivities sa World Records.

Ilan sa mga putahe na ito ay ang adobo, menudo, bagnet, sisig at maraming iba pa.

Sinabi ni National Federation of Hog Farmers Inc. Chairman Chester Warren Tan na layon nito ay para makilal ang bansa bilang food tourism destination.

Ayon naman kay Agriculture Secretary Francisco Tiu, na ang nasabing okasyon ay pagpapakita ng gobyerno na nalabanan ang pagkalat ng African Swine Fever.