-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY- Ipinagbawal ng City Agriculture at Veterinary Office ang pagpasok ng mga karneng baboy sa lungsod mula Luzon at Bisayas.

Ayon kay City veterinarian Perla de Asis, kanilang ipinatupad ang ban sa importasyon ng karney baboy mula sa mga lugar na apektado ng African Swine Fever (ASF) upang hindi mahawa-an ng sakit ang mga backyard raisers sa Cagayan de Oro.

Kabilang umano ito sa mga precautionary measures na kanilang isinagawa upang ma-proteksiyonan ang mga swine raisers.

May isinigawa rin silang surveillance sa mga piggery, maliban pa rito ang malawakang information dissemination laban sa ASF.

Dagdag ni Dr. de Asis na may isinagawa rin silang blood sampling sa mga baboy mula sa ibat-ibang barangay upang maseguro na ligtas ang mga ito sa African Swine Fever.