Nanawagan ang grupo ng mga hog raisers sa gobyerno na magdeklara na ng State of National Emergency dahil sa African swine fever (ASF).
Sa sulat ni Pork Producers Federation of the Philippines president Nicanor Briones sa Department of Agriculture (DA) na dapat ay bilisan nila ang pagpapabakuna labans a ASF.
Umapela din ang grupo sa gobyerno na dapat ay maging commercially available ang nasabing bakuna.
Giit ng grupo na hindi sila maaring maghintay pa ng matagal para sa pagpapabakuna dahil bawat araw ay dumarami ang bilang ng mga nasasalantang hog industry bunsod ng ASF.
Mula kasi ang sinumlan ang rollout ay mayroong 41 baboy lamang ang nabigyan ng AVAC vaccine.
Naitala rin ng Bureau of Animal Industry ang malaking level ng antibodies sa mga baboy na naturukan na ng bakuna.