KORONADAL CITY – Umaaray na ang mga negosyante lalong-lalo na ang mga hograisers dahil sa pagtama ng african swine fever (ASF) sa kanilang negosyo.
Ito ang inamin ng negosyanteng si Jake Arendain sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Arendain, unti-unti nang nararamdaman ng mga hograisers ang takot na posibleng ikakalugi nila dahil sa pagtama ng naturang sakit sa kanilang kabuhayan.
Ang magiging epekto nito sa kanila ay ang pagkakalugi rin ng kanilang negosyo lalo na’t wala nang bibiling mga feeds dahil sa pananalasa ng ASF.
Kaya payo nito na makinig sa mga kaukulan katulad ng City at Provincial Veterinary Offices upang hindi magdulot ng panic sa mga apektadong negosyante.
Dagdag rin nito na bahagi rin sa ginagawa ng local at national government ay ang pagbili sa mga baboy mula sa apektadong mga lugar at kanila umano nila itong ika-cull.