-- Advertisements --
image 482

Niyanig ng 6.1 magnitude na lindol ang Hokkaido, Japan ngayong gabi ng Sabado February 25.

Ayon sa US Geological Survey at Japan Meteorological Agency ang lindol ay mayroong lalim na 43 kilometers.

Wala namang babala ng tsunami sa naganap na lindol.

Tumama ang malakas na lindol partikular sa coastal cities ng Kushiro at Nemuro.

Sa kabila naman ng malakas na lindol, ay walang napaulat na nasugatan.

Maliban dito, wala ring naitalang damage sa imprastraktura