-- Advertisements --

Davao- Patay ang isang hold-upper matapos umanong nanlaban at bumunot ng kanyang .38 revolver dakong alas siete ng umaga sa Prk. 8B Brgy. 31-D , Quezon Blvd. nitong lungsod ng Davao.

Sa report ng pulisya, isa umanong concerned citizen ang tumawag sa kanilang himpilan at itinimbre nito na diumano mayroong isang lalaki ang palaboy-laboy sa kanilang lugar na isang armado, walang adamit apang-itaas at mayroong sling bag na itim na nakasabit sa katawan nito. Agad itong nirespondehan ng mga operatiba at nakita nila mismo sa lugar na tumugma sa discription ng concerned citizen. Agad itong nilapitan ng mga otoridad, ngunit bumunot umano ito ng .38 rebolber at binaril ang mga pulis. Gumanti naman ang romesponding pulis ngunit tumakbo si alias “Migi: patungong covered court na mayroong mga tao. Dito na umano nagpalitan ng putok at napuruhan ang suspek. Dinala pa ito sa pinakamalapit na ospital upang madugtungan pa ang buhay ngunit pagdating sa ospital idineklara ito ng doktor na Dead on Arrival.

Sa crime scene, narekober ng SOCO ang .38 revolver, 2 live ammunition at 3 slugs sa .9mm pistol. Samantala sa ospital nakumpiska naman ang 4 na pakete ng hinihinalang shabu na may street value na P40,000. Sinabi naman ng pulisya na ang napatay na suspek na si Francis Miguel Conjorado alais ‘Migi’ 21 anyos na residente sa Prk.7 sa nasabing baranggay ay suspek sa mga pananakaw sa kanilang AOR at sangkot umano ito sa iligal na droga.