-- Advertisements --
caloy2

Inanunsiyo ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos na magkakaroon ng holiday break ang mga pulis kung saan papayagan silang makauwi para makasama ang kanilang pamilya at mga mahal sa buhay.


Dalawang break ang ipatutupad ng PNP ang Christmas at New Years break.

Dahil dito, inatasan ni Carlos ang PNP Directorate for Personnel (DP) na ayusin ang plano para sa pagpapauwi sa mga pulis sa kani-kanilang mga lalawigan.

Ang direktiba ay binigay ng PNP Chief kasabay ng kanyang pangunguna sa tradisyunal na Christmas tree lighting ceremony sa Camp Crame kagabi.

Ayon sa PNP Chief, nais niyang mabigyan ng pagkakataon ang mga pulis na makapiling ang kani-kanilang mga pamilya ngayong pasko, sa gitna ng lahat ng kanilang sakripisyo sa nakalipas na taon dahil sa pandemya.

Sinabi ni Carlos na nagawa na ito noong panahon ni dating PNP Chief at ngayo’y Senador Ronald Bato Dela Rosa.

Maari aniyang pahintulutan na pansamantalang mag-report sa mga himpilan ng pulisya sa kani-kanilang mga probinsya ang mga pulis upang magampanan parin nila ang kanilang tungkukin habang malapit sa kanilang mga mahal sa buhay.