Inihayag ng mga opisyal ng Pilipinas na naghahanda na sila para sa inaasahang holiday exodus habang ang holiday travels peak sa susunod na buwan.
Isang buwan bago ang Pasko, ang bansa ay nakakakita ng pagtaas sa mga local and international travels ayon kay Bryan Co, assistant senior general manager ng Manila International Airport Authority (MIAA).
Sinabi ni Co na inaasahan nila ang 10 hanggang 15 porsiyentong pagtaas ng dami ng pasahero sa Ninoy Aquino International Airport.
Ang NAIA ay kasalukuyang nagbibigay ng serbisyo sa humigit-kumulang 100,000 mga pasaherong domestic and international flights.
Samantala, isinaaktibo na ng Philippine Ports Authority ang kanilang “Oplan Ligtas na Biyahe” bilang pag-asam ng holiday exodus ngayong Pasko.
Inihayag ni Jay Santiago, general manager of the Philippine Ports Authority, handa na ang mga pantalan at na-activate na ang mga help desk kung saan 24/7 ang operate niyan.