-- Advertisements --
Pumanaw na ang Hollywood actor na si Alan Arkin sa edad 89.
Kinumpirma ito ng kaniyang mga anak na sina Adam, Matthew at Anthony Arkin ang pagpanaw ng ama.
Isinilang sa Brooklyn mula sa Russian-German Jewish Immigrants na magulang kung saan lumipat ang kanilang pamilya sa Los Angeles.
Nag-aral siya sa Bennington College pero umalis din para bumuo ng sariling music group kung saan naging hitsong nila ang “The Banana Boat Song” noong 1957.
Unang sumabak siya sa acting noong 1963 sa play na “Enter Laughing” at siya rin ang nag-direk ng 1968 play na “Little Murders”.
Nakakuha ito ng Oscars nominations sa pelikulang “The Heart is a Lonely Hunter” noong 1967 at ang “Argo” noong 2012.