-- Advertisements --

Pumanaw na ang beteranong actor na si Bill Cobbs sa edad 90.

Kinumpirma ng kaniyang publicist na si Chuck Jones ang pagpanaw ng actor sa bahay nito sa Riverside, California.

Hinala nito na ang sakit niyang pneumonia na matagal na niyang nilalabanan ang naging sanhi ng kamatayan niya.

Ilan sa pelikula kung saan siya nakilala ay ang pagganap bilang staff ni Whitney Houston sa pelikulang “The Bodyguard” at ang mga pelikulang “The Hitler”, “The Brother form Another Planet” at “Night at the Museum”.

Nagsimula ito ng lumabas sa pelikula noong 1974 sa “The Taking of Pelham One Two Three”.

Lumabas din ito sa ilang mga tv show at drama sa US kung saan nagwagi siya ng Daytiem Emmy Award.

Isinilang sa Cleveland, Ohio at nagsilbi sa Air Force ng walong taon.

Bago naging actor ay nagtrabaho din ito sa kumpanyang IBM at naging salesman din ito ng mga sasakyan.

Kakatapos lamang ng kaniyang kaarawan noong Hunyo 16 kung saan ipinagdiwang pa nila ito.