-- Advertisements --
Pumanaw na ang Hollywood actor Clarence Gilyard Jr sa edad 66.
Kinumpirma ito ng University of Nevada, Las Vegas (UNLV) kung saan ito nagtatrabaho bilang associatie professor sa College of Fine Arts.
Itinuturing ni UNLV film chair Heather Addison si Gilyard bilang liwanag at lakas ng lahat ng nakakapaligid sa kaniya sa UNLV.
Hindi rin inilabas ng kampo nito ang sanhi ng kamatayan ng actor.
Unang lumabas sa pelikulang “Top Gun” si Gilyard na gumanap bilang isa sa mga elite fighter pilots.
Matapos ang dalawang taon ay kasama rin siya sa pelikulang “Die Hard”.
Bukod sa paglabas sa mga pelikula ay bumida rin ito sa mga TV sitcom sa US.
Taong 2006 ng tumigil siya sa paggawa ng mga pelikula para pagtuunan ang pagtuturo sa unibersidad