-- Advertisements --

Nanawagan ang Hollywood actor na si George Clooney na dapat umatras na sa muling pagtakbo sa halalan si US President Joe Biden.

Sinabi nito na naniniwala ito kay Biden bilang isang kaibigan, bilang senador, bise president at bilang Pangulo.

Dagdag pa nito, hindi na iba na ang Biden noong 2010 at noong 2020.

Labis din nadismaya ang actor sa ipinakitang performance ni Biden noong magharap sila ng katunggaling si dating US President Donald Trump sa isang debate.

Magugunitang nanguna si Clooney na maglulunsad ng fundraising event para sa kampanya ni Biden.

Una ng nanindigan si Biden na hindi ito aatras at handa itong tapusin ang termino lalo na at kayang talunin umano si Trump sa halalan.