-- Advertisements --

Pumanaw na ang Hollywood actor na si James Earl Jones sa edad na 93.

Ayon sa kaniyang representatives na nalagutan ito ng hininga sa kaniyang bahay sa New York.

Itinuturing siyang pinakarespetado ng ilang dekada sa stage, TV, at film production.

Sumikat ito dahil sa paggamit ng kaniyang boses bilang Darth Vader sa ilang pelikula ng “Star War’s ” franchise.

Siya rin ang nasa likod ng boses ng Mufasa sa “Lion King”.

Ang unang pelikula kung saan ito ay bumida sa pelikulang “Dr. Strangelove”.