-- Advertisements --

Pumanaw na ang Hollywood actor na si John Capodice sa edad na 83.

Kinumpirma ito ng Pizz Funeral Home sa New Jersey subalit hindi na sila nagbigay pa ng mga detalye.

Nakilala ang actor sa ilang mga onstage at pelikula ng ilang dekada.

Ilan sa mga pelikula kung saan ito nakilala ay ang “Ace Ventura” at “General Hospital”.

Isinilang siya noong Disyembre 25, 1941 sa Chicago at nagsilbi sa US Army sa Korea noong 1960.

Lumipat ito ng tirahan sa New York City at doon nagsimula ang kaniyang acting career sa Broadway stage production.

Lumabas ito sa mga soap opera ng “Ryan’s Hope” noong 1978 at bumida sa ilang mga soap opera gaya ng “As The World Turns” , Moonlighting,” “Seinfeld,” “L.A. Law,” and “Melrose Place,” at “Will & Grace”.

Habang sa Hollywood movie ay gumanap ito sa mga pelikulang “The Doors”, “Speed” at “Independence Day”.

Hindi naman makakalimutan ang pagganap nito bilang police detective na kontra lagi sa bidang si Jim Carrey sa pelikulang “Ace Ventura: Pet Detective”.

Bumuhos naman sa social media ang mga pakikiramay sa actor matapos na mabalitaan ang pagpanaw nito.