-- Advertisements --
Inaresto ng mga kapulisan sa New York ang Hollywood actor na si Jonathan Majors.
Inreklamo ang “Creed III” actor ng assaulta at harrasment ng isang 30-anyos na babae.
Ayon sa New York Police Department na sangkot ang actor sa domestic dispute kung saan tinawagan sila ng biktima kaya nirespondihan nila ang insidente.
Mariing itinanggi naman ng kampo ng 33-anyos na actor ang nasabing alegasyon.
Dinala sa pagamutan ang biktima matapos na magtamo ito ng sugat sa kaniyang ulo at leeg.
Pinalaya naman ang actor matapos na ikustodiya ng kapulisan ng ilang oras.