-- Advertisements --
Pumanaw na ang Hollywood actor na si Peter Jason sa edad na 80.
Kinumpirma ito ng kaniyang kaanak subalit hindi na nila binanggit pa ang sanhi ng kaniyang kamatayan.
Nakasama ang actor sa halos 300 na mga pelikula kung saan nagsimula ang acting career nito noong 1967.
Nakilala ito sa pelikulang “Karate Kid” noong 1984; “The Hunt for Red October ” noong 1990; “Mortal Kombat” noong 1995 at maraming iba pa.
Nagpaabot naman ng kanilang pakikiramay sa social medi ang ilang mga Hollywood celebrities matapos mabalitaan ang nakakalungkot na pangyayari.