-- Advertisements --

Namayapa ang Hollywood actor na si Richard Norton sa edad na 75.

Ayon sa asawa nitong si Judy Green, na pumanaw ang actor sa kanilang bahay sa Melbourne, Australia.

Hindi na binanggit pa nito ang naging sanhi ng kamatayan ng actor.

Ilan sa mga pelikula kung saan ito nakasama ay ang”Mad Max: Fury Road”, “ABBA”, “X-Men: Dark Phoenix” at “Suicide Squad”.

Bukod sa pagiging actor ay isa rin siyang martial arts fighter kung saan tinuruan niya ang ilang mga actor gaya nina Ben Affleck, Margot Robbie at Scarlett Johansson.

Ilan sa mga artista rin ang nagpaabot ng kanilang pakikiramay at kalungkutan gaya ng beteranong actor na si Chuck Norris na nagpost pa ito ng larawan nilang dalawa.