-- Advertisements --

Ginawaran ni Russia President Vladimir Putin ng “Order of Friendship” ang actor na si Steven Seagal.

Ang 70-anyos na actor ay nabigyan ng Russian citizenship ni Putin noong 2016 ay itinalaga rin bilang special envoy ng Russia sa US noong 2018.

Isinagawa ang paggawad kasabay ng anibersaryo ng pagsakop ng Russia sa Ukraine nitong Pebrero.

Ang award ay binuo noong 1994 na nag-eenganyo sa mga mamamayan nito na matiyak ang pagiging makatao at maprotektahan ang seguridad ng Russia.

Si Seagal na isinilang sa Michigan ay suportado ang pag-angkin ng Russia sa Crimea noong 2014 na isang isla ng Ukraine.