-- Advertisements --

Umapela ang Hollywood actor na si Tyrese Gibson sa mga fans nito na ipagdasal ang ina na nasa pagamutan matapos dapuan ng pneumonia at COVID-19.

Sa kaniyang Instagram ay nagpost ito ng larawan ng inang si Priscilla Murray na nasa intensive care unit.

Ayon pa sa actor na hindi na niya itinuloy ang paggawa ng pelikula matapos na itakbo sa pagamutan ang ina.

Wika pa ng 43-anyos na “Fast&Furious” actor na mahalaga ngayon ang pagdarasal ng mga kaniyang 15.2 milyon social media followers.

Ang actor kasi ang siyang bunso sa apat na magkakapatid ay siya na rin ang nag-alaga sa ina.

Nagpaabot naman ng suporta at pagdarasal ang kapwa artista at singer para sa mabilisang paggaling ng ina ng actor.