-- Advertisements --

Binasag na ng Hollywood actress Emma Watson ang kaniyang katahimikan sa social media.

Napansin kasi ng kaniyang mga fans na hindi na ito aktibo sa social media kung saan ang pinakahuli nitong Tweet ay noon pang Agosto 2020.

Dahil dito ay hinala ng mga fans ay baka nagretiro na ito sa acting at ikinasal na sa nobyong si Leo Robinson.

Sa kaniyang Twitter, sinabi nito na agad itong mag-uupdate sa kaniyang lovelife at career kapag may bagong pangyayari.

Gaya aniya ng mga ordinaryong tao ay naging abala ito sa loob ng bahay dahil sa nararanasang COVID-19 pandemic.