-- Advertisements --
Ibinunyag ng actress na si Jane Fonda na ito ay na-diagnosed ng non-Hodgkin’s Lymphoma.
Sa kaniyang social media account, ikinuwento nito na siya ay sumasailalim na ng chemotherapy.
Dagdag pa ng 84-anyos na Hollywood actress na ang nasabing cancer ay maaaring gamutin kung saan 80% ng mga dinapuan nito ay gumaling na.
Ang nasabing sakit kasi ay isang uri ng cancer ng immune system.
Sa loob aniya ng anim na buwan ay sasailalim ito ng chemotherapy.