-- Advertisements --

Dumalaw si Hollywood actress Jessica Chastain ang Ukraine.

Kabilang na binisita nito ang children’s hospital sa Kyiv at nakasalamuha ang ilang mga bata doon.

Binigyan niya ang mga bata ng Kherson at Chernihiv ng teddy bear at mga regalo.

Bilang kapalit ay niregaluhan din siya ng mga bata gaya ng larawan na iginuhit ng isa sa mga bata.

Nakipagpulong din ito sa kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky kung saan pinasalamatan niya ito sa pagdalaw at pagbibigay saya sa mga bata.