-- Advertisements --
Ikinasal na ang Hollywood actress na si Kristen Stewart sa nobya nito.
Isinagawa ang kasal ng actress sa partner nitong si Dylan Meyer sa isang intimate ceremony sa Los Angeles.
Kabilang sa mga bumisita ang mag-asawang sina Ashley Benson at Brandon Davis.
Nakuha nila ang kanilang marriage license sa Los Angeles County.
Nagkakilala ang actress at screenwriter noong 2013 subalit noong 2019 ng magkahiwalay na ang actress mula sa dating nobya na si Stella Maxwell ay doon nagsimula ang relasyon.
Taong 2021 ng ibunyag ng dalawa ang kanilang relasyon.