-- Advertisements --

Isinilang na ng Hollywood actress Lindsay Lohan ang kaniyang kauna-unahang anak.

Ayon sa kampo ng actress na ipinangalanan nilang mag-asawang Bader Shammas ang anak nilang si Luai Shammas.

Ang ibig sabihin ng pangalan ng anak nila ay “shield o protector” sa salitang Arabic.

Nagsilang ang 37-anyos na actress sa bahay nila sa Dubai kung saan doon na naninirahan ang mag-asawa.

Taong 2021 ng inanunsiyo ng dalawa ang kanilang engagement at noong nakaraang taon ay ikinasal sila.

Nitong Marso naman ng ianunsiyo ng actress na ito ay buntis kung kayat bumuhos ng pagbati mula sa mga kapwa artista nito.