-- Advertisements --

Nagluluksa ngayon ang Award-winning Australian actress Nicole Kidman dahil sa pagpanaw ng kaniyang ina na si Janelle Ann Kidman sa edad na 83.

Dumalo pa ang actress sa Venice Film Festival awards ceremony nitong Setyembre 7, 2024.

Nakamit niya kasi ang Best Actress Award sa pelikulang “Babygirl” matapos nito ay agad na umuwi ito.

Binasa mismo ng director ng pelikula na si Halina Reijn ang sulat ng actress sa Venice Film Festival.

Taong 2014 ng unang pumanaw ang ama ng actress na si Antony Kidman sa edad na 75.