-- Advertisements --

Pumanaw na ang Hollywood actress na si Olympia Dukakis sa edad 89.

Kinumpirm ng kaniyang kapatid ang nasabing balita kung saan nagkaroon ito ng sakit.

Nakilala si Dukakis sa romantic comedy na Moonstruck noong 1987 kung saan nagwagi siya ng Oscar award.

Naging matagumpay din siya sa teatro bilang isang artista at director.

Isinilang noong 1931 sa Lowell, Massachusetts mula sa magulang nitong immigrants ng Greece.

Nag-aral ito ng perfroming arts sa Boston University at lumipat ito sa New York.