-- Advertisements --

Nababahala ngayon ang Hollywood actress na si Sandra Bullock dahil sa paglaganap ng scam sa social media.

Ayon sa 60-anyos na actress na inaalala niya ang kaligtasan ng kaniyang pamilya ganun din ang mga inosenteng mga tao.

Nanawagan din ang award-winning actress na hindi ito sumasali sa anumang uri ng social media.

Marapat na ireport sa kinauukulan ang anumang social media account na nagpapanggap bilang siya na ang hangarin ay makakuha ng pera.

Una ng nabiktima ang kapatid nitong si Gesine Bullock-Prado ng madiskubreng mayroong nagpapanggap bilang siiya.

Magugunitang isang babae sa United Kingdom ang nabiktima ng nagpanggap bilang si Brad Pitt kung saan nakuhanan ito ng perang aabot sa $850,000.