Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga mambabatas at hollywood celebrities ang simula ng pagpapatupad ngayong linggo ng bagong batas sa Brunei.
Una nang nanawagan nang pag-boycott sa halos siyam na hotels na may kaugnayan sa Brunei ang Hollywood actor na si George Clooney.
Nagpahayag na rin ng pagsuporta kay Clooney si British music legend Elton John at ang kanyang asawa na si David Furnish.
Pinangalanan din ng music legend ang ilan sa mga hotels na ito.
Itinuturing naman ng aktres na si Jamie Lee Curtis at philantropist Richard Branson na hindi makatarungan ang batas na ito.
Ani ng mga ito hindi umano dapat parusahan ang isang tao base sa kung sino ang gusto nilang mahalin.
Ito ay kaugnay ng batas sa Brunei kung saan babatuhin hanggang sa mamatay ang mga mapapatunayang guilty sa homosexual sex.