-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang Hollywood movie director na si Ivan Reitman sa edad 75.

Kinumpirma ito ng CEO ng Sony Pictures Group subalit hindi nila binanggit ang dahilan ng kamatayan nito.

Nakilala ang nasabing director sa paggawa nito ng pelikulang “Ghostbusters” noong 1984.

Siya rin ang nasa likod ng classic na pelikulang “National Lampoon’s Animal House” na pinagbibidahan ni John Belushi at pelikulang “Stripes” na pinagbibidahan nina Bill Murray, John Candy at Harold Rams.