-- Advertisements --
Kanselado na ang French film festival ng Hollywood dahil sa coronavirus pandemic.
Ito mismo ang naging desisyon ng organizer matapos ang patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus sa US.
Dagdag pa ng COLCOA, na gaganapin na lamang ang nasabing okasyon sa Setyembre 2021.
Hindi rin sila pabor na gawin na lamang ito virtual edition.