Pumanaw na ang isa sa kinikilalang Hollywood legend at veteran actor na si Kirk Douglas.
Kinumpirma ng kanyang anak na si Michael Douglas na binawian ng buhay ang ama sa edad na 103.
Sa kanyang social media post, sinabi ni Michael na labis ang kanilang kalungkutan sa pagkawala ng ama pero itinuring naman nito na “naging well lived” ang buhay ng ama lalo na sa panahon ng golden years nito.
“It is with tremendous sadness that my brothers and I announce that Kirk Douglas left us today at the age of 103,” ani Michael sa FB statement. “To the world, he was a legend, an actor from the golden age of movies who lived well into his golden years, a humanitarian whose commitment to justice and the causes he believed in set a standard for all of us to aspire to.”
Hindi rin naman naitago ni Michael na labis ang kanyang pagmamalaki at “proud” siya na maging anak ni Kirk.
“Kirk’s life was well lived, and he leaves a legacy in film that will endure for generations to come, and a history as a renowned philanthropist who worked to aid the public and bring peace to the planet.”
Sinasabing mahigit din sa 90 mga pelikula ang nagawa ng nakatatandang Douglas na umabot ng pitong dekada.
Kabilang sa pelikulang sumikat siya ng husto at siya rin ang nag-produce ay sa epic movie na “Spartacus” at ang “The Vikings” na lalong nagpatibay sa kanya bilang isa sa biggest box-office stars noong 1950s at dekada saisenta.
Kinikilala rin naman si Kirk sa kanyang naging mahalagang papel na sa kabila ng iniugnay noon sa communist movements noong dekada singkwenta at na-black list sa mga major roles ang ilang mga aktor, directors at writers ay nagawa nila itong malampasan.
Noong taong 1996 ginawan siya sa Academy Awards ceremony ng Lifetime Achievement Award pero noong panahong ‘yon halatang nauutal na rin ang kanyang pagsalita dahil sa dinanas na stroke.