-- Advertisements --

Pinanguanahan ni Hollywood star Natalie Portman kasama ang iba pang celebrities sa pagtaguyod ng women’s professional soccer team na magsisimula sa 2022.

https://www.instagram.com/p/CC6R8IujXwl/

Kasama niy dito ang tennis star Serena Williams ganun din ang Hollywood star Jessica Chastain, Eva Longoria, America Ferrera at Jennifer Garner.

Ayon sa National Women’s Soccer League, nakakuha ng rights si Portman na dalhin ang professional women’s soccer team sa Los Angeles sa darating na 2022.

Nakatakdang ianunsiyo naman nila ang pangalan ng koponan sa mga susunod na araw.

Ito na ang pang-11 na koponan sa NWSL.

Nagsimula ang NWSL noong 2013 bilang unang US professional sports league na magsisimula sa kasagsagan ng coronavirus pandemic.